dzme1530.ph

Malacañang, nag-deklara ng special non-working days sa Laoag City at iba pang lugar para sa buwan ng Hunyo

Nag-deklara ng special non-working days ang Malacañang sa iba’t ibang lugar para sa buwan ng Hunyo.

Inanunsyo ang special non-working day sa Silay City, Negros Occidental sa Hunyo 13, araw ng Martes, para sa taunang selebrasyon ng fiesta.

Special non-working day din ang idineklara sa Lapu-Lapu City, Cebu sa Hunyo 17 para sa ika-62 Charter Anniversary ng lungsod.

Deklarado rin ang special non-working day sa Laoag City, Ilocos Norte sa Hunyo 19 para sa Charter Anniversary.

Samantala, magkakaroon din ng special non-working day sa Lipa City sa June 20 para sa 76th Founding Anniversary nito, at June 21 sa Balete, Batangas para sa 54th Founding Anniversary.

June 21 naman ang special non-working day sa Maasim Sarangani para sa 54th Founding Anniversary at Kestebeng Festival. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author