dzme1530.ph

Pinoy sa Taiwan, nasa mabuting kalagayan —MECO

Nananatiling normal ang sitwasyon sa Taiwan.

Ito ang naging pagtitiyak ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa gitna ng nagaganap na tensiyon sa pagitan ng Taiwan at China.

Ayon kay MECO Chairman Silvestre Bello III, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon ng mga Pinoy roon na nasa maayos na kalagayan sa ngayon sa Taiwan.

Nabatid na kasalukuyang naghahanda ang Taiwan sa posibleng pananalakay ng Tsina sa kanilang teritoryo. -sa panulat ni Joana Luna

About The Author