dzme1530.ph

Dating Sen. de Lima, tiwalang makalalaya na!

Kumpiyansa si dating Senador Leila de Lima na tuluyan na itong mapapawalang sala laban sa isa pa nitong kaso na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay de Lima, dahil sa pagkaka-abswelto ng dalawa sa tatlo niyang kaso posibleng makalaya na ito mula sa mahigit anim na taong pagkakapiit sa bilangguan.

Malaki ang tiwala ng senadora na mababasura ang mga kasong isinampa sa kanya gayung gawa-gawa lang aniya ng Duterte administration ang mga ito.

Kaugnay nito, umaasa din ang Makabayan bloc maging sina Senador Kiko Pangilinan at Antonio “Sonny” Trillanes sa positibong resulta ng natitirang kaso ni de Lima. -sa panulat ni Joana Luna

About The Author