dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, kailangang masanay sa playing conditions —Coach Chot Reyes

Sa kabila ng pagkatalo ng Gilas Pilipinas laban sa Cambodia kagabi, maka-a-abante pa rin ang koponan sa group stage kung mananalo ito kontra sa Singapore sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games.

Sinabi ni Gilas Head Coach Chot Reyes na kailangan nilang mag move forward at i-shift ang kanilang focus sa kanilang susunod na laban sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa Sea Games.

Kagabi ay dismayado ang pambansang koponan makaraang matalo sa home team Cambodia sa score na 79-68.

Inihayag ni Reyes na kailangan lamang ng Gilas players na masanay sa playing conditions, kabilang na ang init na nagpahirap sa naturalized player na si Justin Brownlee na nakaranas ng dehydration.

Dahil dito ay nalimitahan lamang sa 10 points ang score ng Barangay Ginebra star sa loob ng 23 minutes, kasama na ang five rebounds at one block.

Inireklamo rin ni Reyes ang sahig ng court na hindi aniya stardard para sa basketball. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author