dzme1530.ph

3K pulis na nasasangkot sa iligal na aktibidad, isinailalim sa counter intelligence watchlist

Isinailalim ng PNP ang 3,000 pulis sa counter intelligence watchlist dahil sa pagkakasangkot umano sa mga iligal na aktibidad.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., bilang dating PNP Intelligence Chief, batid niya ang mga pulis na mayroong bahid.

Aniya, ang mga police scalawags ay mahigpit nang binabantayan at titiyakin niya na hindi na makagagawa ang mga ito na kalokohan.

Nanawagan din si Acorda sa publiko na huwag matakot i-report ang mga pulis na sangkot sa criminal activities. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author