dzme1530.ph

3 patay, 9 sugatan, matapos tamaan ng kidlat sa Iloilo

Patay ang tatlong katao habang siyam na iba pa ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Banate, Iloilo habang nag-aani.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mila Soberano, 38-anyos, Rosalie Soberano, 48-anyos at Britney Labos na tatlong buwang buntis, habang ang siyam na nasugatan sa pangyayari ay sina Felomino Sadiang-Ibon, 77-anyos; Janelyn Igona, 38-anyos; Carlo Soberano, 11-anyos; Jumar Soberano, 42-anyos; IJ Soberano, 29-anyos; Sharime Soberano, 20 anyos; Ivan Soberano, 44-anyos, at dalawa iba pa.

Batay sa kwento ng mga nakaligtas, nag-aani ang mga biktima nang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para pumunta sila sa isang kubo sa lugar, ngunit sa kasawiang-palad ay tinamaan naman ng kidlat ang kubo na sinisilungan ng mga ito.

Dead on the spot ang tatlo habang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatang biktima. —sa panulat ni Ronnie Ramos

About The Author