dzme1530.ph

PBBM nasa Indonesia na para sa 42nd ASEAN Summit

Nasa Indonesia na si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa nakatakdang paglahok sa 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Alas 4:54 ng hapon kahapon nang lumapag sa Komodo Airport sa Labuan Bajo ang eroplanong sinakyan ng Pangulo at ng Philippine Delegation, at sinalubong sila ng mga opisyal mula sa Pilipinas at Indonesia.

Ngayong araw, dadalo ang Pangulo sa Opening at Plenary Session ng ASEAN Summit, Asean Leaders’ Interface kasama ang representatives’ ng Asean-Interparliamentary Assembly, at ASEAN Leaders’ Interface sa Representatives ng ASEAN Youth.

Makikiisa rin ito sa ASEAN Leaders’ Interface sa Representatives ng ASEAN Business Advisory Council, Interface sa High-Level Task Force on ASEAN Community Post 2025 Vision, at Welcome dinner na pangungunahan ni Indonesian president Joko Widodo, ang tumatayong Chairman ng ASEAN Summit ngayong taon.

Bukod dito, dadalo rin si Marcos sa 15th Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area Summit. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author