dzme1530.ph

Lalaking social media hijacker, blackmailer, at “sextortionist”, kalaboso sapamamagitan ng app na GCash

Kalaboso ang isang John Jerome Cruz, 31, ng Tondo, Maynila matapos nitong tangkaing i-blackmail ang isang Maria Ristina Calilung, 18, ng Aurora Boulevard, Quezon City na ipapakalat ang mga maseselang larawan ng biktima.

Ayon sa biktimang si Calilung, nakilala niya si Cruz sa social media at nang makuha ang tiwala, dito na hi-nack ng suspek ang account ng biktima at kinuha ang maseselang larawan at video nito.

Tinangkang hingan ng pera ng suspek ang biktima at ipapadala sa GCash account ng suspek, subalit dahil sa umiiral na ugnayan ng kapulisan at GCash ay nadakip ang suspek.

Ayon kay Martha Sazon, CEO at presidente ng GCash, gamit ang app, hindi lamang sa pagpapadala at pagtanggap ng pera sila makakatuwang ng sambayanan, i-click lamang aniya ang GCash Help Center at i-type ang “i want to report a scam”.

Paalala ng GCash, hindi ito nagpapadala ng mensahe para humingi ng personal na impormasyon lalo na ng MPIN at One-Time Pin (OTP).

About The Author