dzme1530.ph

GCash humingi ng pasensiya sa customers; fund na nakaltas sa e-wallets, asahang maibabalik din ngayong araw

“Walang nawalang pondo”

Ito ang tiniyak ni Gilda Maquilan, GCash senior official, sa kabila ng mga di-umano’y pagkawala ng GCash funds dahil sa unauthorized transactions na kinaharap ng ilang user.

Ayon kay Maquilan, mula pa kahapon nang makatanggap sila ng ilang reklamo mula sa mga customer at iniimbestigahan na anila ang sanhi ng problema.

Napakaaga pa aniya para sabihin kung na-hack ang service’s systems ng mobile wallet.

Asahan din ani Maquilan na maibabalik sa lahat ng apektadong user ang nawala nilang e-moneys mamayang alas-3 ng hapon.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na i-freeze ang mga bank account kung saan nailipat ang mga pondo.

Humingi na ng paumanhin at pang-unawa ang GCash sa mga costumers nito, hinggil sa abalang idinulot ng system glitch.

About The Author