Bumisita sa Pentagon si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapatuloy ng kanyang official visit sa America.
Nag-martsa ang Pangulo sa gitna ng full honors ceremony sa US Dep’t of Defense Grounds, at sinalubong ito ni US Defense sec. Lloyd Austin.
Bukod sa Pangulo, nagtungo rin sa Pentagon sina Defense officer-in-charge Senior Usec. Carlito Galvez Jr., National Security Adviser Eduardo Año, First Lady Liza Araneta-Marcos, House Speaker Martin Romualdez, at House Deputy Speaker at former President Gloria Macapagal Arroyo.
Matatandaang una nang nagpulong sina Marcos at Austin sa Pilipinas nang mag-courtesy call ang US Defense Chief sa Malacañang noong Pebrero. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News