dzme1530.ph

Gabon-Registered Tanker, nasunog sa Malaysia; 3 tipulanteng sakay ng barko, nawawala

Pinaghahanap ng Malaysian Maritime Authorities ang tatlong tripulante ng Gabon-Registered Tanker, isang araw matapos masunog ang barko sa katubigan ng Southern Coast malapit sa Kota Tinggi, Malaysia.

Ayon sa Malaysian Maritime Enforcement Agency (MMEA), ang barko na may pangalang “Pablo,” ay naglayag mula China patungong Singapore para mag-pick-up ng crude oil.

Hindi inaalis ng mga otoridad ang posibilidad na nasa loob pa rin ng barko ang dalawang Indian nationals at isang Ukranian.

Gayunman, hindi pa ligtas na magsagawa ng inspeksyon dahil mausok pa sa barko.

25 crew naman ang nailigtas habang 4 ang malubhang nasugatan.

About The Author