dzme1530.ph

Maintenance work sa ATMC, walang naapektuhang flight —CAAP

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang naapektuhan flight sa isinagawang corrective maintenance sa Automatic Voltage Regulator sa Air Traffic Management Center.

Ayon sa CAAP sinimulan ng 2:00am ang maintenance work at natapos ito ng alas 2:46 ng madaling araw.

Sinubukan muna ng CAAP na testingin ang AVR bago isinara ang panel at natapos ito ng 3:27 ng madaling araw.

Matapos nito inalis na ng CAAP ang Notice to Airmen (NOTAM) at balik na muli sa normal ang operasyon. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author