dzme1530.ph

Diving operations para sa divers na nawawala matapos ang salpukan ng barko sa Corregidor, tinapos na ng PCG

Tinapos na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang diving operations para dalawa katao na nawawala kasunod ng salpukan ng dalawang barko sa Corregidor Island.

Nilinaw naman ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na ongoing pa rin ang search and rescue operations para sa mga nawawalang indibidwal.

Sinabi ni Balilo na nagalugad nang mabuti ng mga diver ang barko at wala naman silang nakita.

Noong Biyernes ay nagbanggaan ang Marshall Island-Flagged Chemical and Oil Product Tanker na MT Petite Soeur at Sierra Leone Flaggd Dredger na MV Hong Hai 189 sa katubigan ng Corregidor Island.

Ayon sa PCG, tatlo katao ang nasawi habang 15 ang nailigtas sa naturang insidente. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author