dzme1530.ph

DOTR, NAIA, walang natutunan sa mga naunang kapalpakan sa sistema —Sen. Poe

Tila walang natututunan ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga nakalipas na aberya sa paliparan.

Ito ang binigyang diin ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe kasunod ng power outage sa paliparan ngayong Labor Day.

Sinabi ni Poe na ang panibagong insidente ay bunsod ng hindi maayos na sistema sa paliparan kaya’t libu-libo ang naaberya.

Dahil sa kawalan ng air conditioners sa ilang bahagi ng paliparan ay hindi lamang inconvenient sa mga pasahero kundi magbibigay din ng negatibong epekto sa kalusugan.

Hindi anya katanggap-tanggap na tuwing may brown-out, maaantala ang buong sistema ng airport at ang biyahe ng publiko. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author