![]()
Proud ang aktres na si Klea Pineda sa kanyang girlfriend na si Janella Salvador, na ipinakilala bilang newest calendar girl ng isang liquor brand.
Sinabi ni Klea na isa siya sa mga unang nakakita ng posters at very proud siya sa hard work ni Janella.
Aniya, ang tagal nilang itinago at hinintay na ma-launch ang girlfriend bilang calendar girl kaya naman sobrang saya niya na natupad ang isa sa mga pangarap ni Janella.
Binigyang-diin ni Klea na hindi siya nagseselos dahil palaging may assurance mula kay Janella tungkol sa kanilang relasyon.
