dzme1530.ph

PAGDALO NI VP SARA SA BUDGET HEARING SA SENADO, BINANATAN NG ISANG KONGRESISTA

Loading

“Kung hihingi ng pera, present. Kung kailangan magpaliwanag ng pinagkagastusan, absent.”

‘Yan ang tweet ni Akbayan Rep. Percival Perci Cendaña bilang reaksyon sa pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa budget hearing sa Senado.

Sa tweet pa ni Cendaña, hindi lang aniya ito “style na bulok,” kundi “style lustay din.”

Banat pa nito, sana naman bago ang New Year ay may “new VP na rin.”

At sana raw ay marunong mag-liquidate ng pondo ng bayan at makatotohanan ang SALN.

Sa nagdaang budget hearing dito sa Kamara, hindi nagpakita si VP Sara, at tanging ang chief of staff nito na si Atty. Zulaika Lopez lamang ang humarap sa mga kongresista.

Si VP Sara ay humaharap din sa impeachment trial sa Senado dahil sa unexplained wealth.

About The Author