dzme1530.ph

PORK IMPORTATION MULA SA ASF-FREE AREAS SA UNITED KINGDOM, PINAYAGAN NG PILIPINAS

Loading

Naglabas ang Department of Agriculture (DA) ng circular na nagpapahintulot sa importasyon ng pork products mula sa mga lugar sa United Kingdom na ligtas mula sa African swine fever (ASF).
 
Sa ilalim ng Department Circular No. 58, sinabi ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng DA na nananatiling mahigpit ang mga hakbang ng UK laban sa ASF sa iba’t ibang lugar.
 
Saklaw ng circular ang importasyon ng live swine at kanilang mga produkto, kabilang ang karne at genetic materials mula sa United Kingdom.
 
Noong nakaraang Agosto ay binawi ng DA ang temporary ban sa importasyon ng industrially manufactured, hermetically sealed, and heat-treated canned pork products bunsod ng banta ng ASF.

About The Author