dzme1530.ph

EXECUTIVE SECRETARY RALPH RECTO, TINIYAK NA WALANG DAPAT IKA-ALARMA SA UTANG NG BANSA NA 19.66 TRILLION PESOS

Loading

TINIYAK ni Executive Secretary Ralph Recto na wala pang dapat ikaalarma sa utang ng bansa na ₱19.66 trillion.
 
Sinabi ni Recto na wala rin namang dahilan upang mag-ambagan ang mga Filipino para ito ay mabayaran.
 
Kasunod ito ng mungkahi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na balangkasin ng gobyerno ang mekanismo para sa mga Pinoy na handang mag-ambag para makabayad ng utang ang bansa.
 
Sinabi ni Cayetano na sa ₱19.66 trillion na utang ng bansa, at sa 114.94 million na populasyon, may mahigit ₱170,500 na utang ang bawat Filipino at puwedeng may magkusang magbayad nito.
 
Ayon kay Recto, 65 to 66% lang ng gross domestic product ng bansa ang katumbas nito; samantalang 125% ito sa America, 200% sa Japan, at 70% ang average ng buong mundo.
 
Kung ito ang pagbabatayan, sinabi ni Recto na hindi kailangang tularan ang South Korea na nag-ambagan nang tinamaan ng Asian Financial Crisis noong 1997, pero welcome naman kung may gustong mag-ambag.

About The Author