![]()
Namumuro na naman ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya, posibleng mabawasan ng ₱2.35 hanggang ₱2.55 ang kada litro ng diesel.
Maaari namang mabawasan ng ₱2 hanggang ₱2.15 ang kada litro ng gasolina.
Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagdating ng mga suplay ng produktong petrolyo sa kabila ng tensyon sa Middle East.
