![]()
Ibinalik ng Estados Unidos at Venezuela ang kanilang ugnayang militar, wala pang isang taon matapos arestuhin ng US forces ang noo’y leader ng South American country na si Nicolas Maduro, sa isang raid sa Caracas.
Lumagda ang interim government na pinamumunuan ni Delcy Rodriguez, dating vice president ni Maduro, ng military cooperation agreement, kasama si US Secretary of Defense Pete Hegseth.
Mula sa pagiging most aggressive regional threat, sinabi ni Hegseth na naging compliant security partner ang Venezuela sa loob lamang ng wala pang isang taon.
2005 nang i-terminate ang military cooperation sa pagitan ng dalawang bansa ni noo’y Venezuelan left-wing President Hugo Chavez.
