dzme1530.ph

DE-KALIDAD AT ABOT-KAYANG MGA PRODUKTO, TAMPOK SA MARIKINA CHRISTMAS SHOE BAZAAR

Loading

Mas malayo ang mararating ng budget ng mga mamimili sa Marikina Christmas Shoe Bazaar 2026, kung saan makakabili ng de-kalidad at abot-kayang sapatos, travel bag at iba pang panregalo.
 
Ayon kay Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro, nagbukas ang shoe bazaar noong Nov. 13 sa Marikina Freedom Park at magtatagal ito hanggang Jan. 10, 2027, bilang suporta sa lokal na industriya ng sapatos.
 
Para patunayan ito, sumabak si Teodoro sa ₱2,000 shopping challenge upang ipakita kung gaano karaming produkto ang mabibili sa bazaar sa naturang halaga.
 
Nakabili ang kongresista ng isang pares ng C-Point driving shoes sa factory price na ₱950, mas mababa sa orihinal na presyo nito na ₱2,000.
 
Bumili rin si Teodoro ng Azulis bag na ₱810 at pouch na ₱100, at may sukli pa ito na ₱140.
 
Hinikayat ng mambabatas ang publiko na bisitahin ang bazaar at suportahan ang mga lokal na pagawaan ng sapatos, at mayroong 10% discount para sa mga kawani ng pamahalaan.

About The Author