![]()
Posibleng magkaroon ng shortage sa supply ng karneng baboy sa unang quarter ng 2027.
Ito’y matapos ipatupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang 60-day quantitative restriction sa importation ng selected pork cuts, ayon sa United States Department of Agriculture.
Sinabi ng USDA na malaki ang posibilidad na mararamdaman ang mas malakas na impact ng import ban, simula sa huling linggo ng Enero hanggang sa unang bahagi ng Marso.
Inilabas ng Philippine Department of Agriculture ang kautusan upang protektahan ang domestic swine industry matapos dumanas ng “serious injury” bunsod ng tumaas na imports.
