![]()
Uusad ang Choco Mucho sa PVL All-Filipino Conference Siklab Semifinals matapos padapain ang PLDT sa score na 25-22, 25-23, 18-25, 25-23, sa Mall of Asia Arena.
Gumawa si Sisi Rondina ng 21 points habang nag-ambag si Eya Laure ng 11 points para sa Flying Titans na nagtapos na may 5-3 record sa preliminary round.
Hindi umubra ang 30 points na ginawa ni Savi Davison para sa High Speed Hitters na bumaba ang record sa 4-4.
Bukod sa Choco Mucho Flying Titans, pasok din sa semis ng Siklab Series ang Creamline Cool Smashers, Farm Fresh Foxies, at Nxled Chameleons.
