dzme1530.ph

SENATE PRIB, NAG SORRY SA FIRE TRANSITION SA LIVE STREAM NG IMPEACHMENT TRIAL KAY VP SARA DUTERTE

Loading

HUMINGI ng paumanhin ang Senate-PRIB sa aksidenteng transition effects na lumabas sa livestream ng impeachment court.
 
Ito ay fire transition na lumabas habang nagbibigay ng opening prayer si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
 
Sa inilabas na statement ng PRIB, ipinaliwanag na ang naturang insidente ay bunsod ng hindi inaasahang technical issue sa gitna ng broadcast ng paglilitis at lubos nilang pinagsisisihan ang nangyari.
 
Humingi naman ang PRIB ng pang-unawa sa publiko dahil kasalukuyan silang nag-a-upgrade ng mga kagamitan at sumasailalim sa retraining at upskilling ang mga technical staff para mapalakas ang kalidad ng broadcast media coverage.
 
Una nang pinaalalahanan ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero ang PRIB na mag ingat sa kanilang livestreaming kasabay ng pahayag na hindi naakma ang paglalabas ng fire transition sa livestreaming.

About The Author