dzme1530.ph

PAGPAPATUGTOG NG ANAK” SA PARA KAY PANGULONG MARCOS SA CHINA, BINALEWALA NG PALACE OFFICIAL

Loading

Binale-wala ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang pagpapatugtog ng “Anak” ng yumaong folk singer-songwriter na si Freddie Aguilar para i-welcome si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China para sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting.
 
Ayon kay Castro, dapat ay maging proud ang mga Pilipino sa naturang kanta dahil isinalin ito sa iba’t ibang wika.
 
Aniya, ang classic song na “Anak” ni Ka Freddie ay isa sa pinakatumatak na awit sa buong mundo kaya dapat itong ipagmalaki dahil hanggang ngayon ay sikat pa rin ang kanta.
 
Pinatugtog ng orchestra sa Shenzhen, China, ang instrumental version ng Filipino song nang pumasok sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos sa hall patungo sa gala dinner kasama ang mga kapwa lider.
 
Ni-release noong 1978, ang kanta ay tungkol sa isang anak na nagrebelde sa kanyang mga magulang at nalulong sa masamang bisyo.

About The Author