![]()
Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang publiko na libre lamang ang voter registration sa buong bansa.
Ito ay sa gitna ng mga report sa social media na nagsasabing ilang aplikante ang pinagbababayad sa dokumento.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na ang certification ay libre kahit ilang kopya pa ang i-request ng botante.
Binanggit ni Garcia ang ulat sa Sultan Kudarat na pinagbababayad ng tig-₱20 para sa voter certification.
Gayunman, sinabi ni Garcia na sa kanilang beripikasyon, natuklasan nilang nagmula sa fake account ang posting sa social media.
