dzme1530.ph

TENSYON SA WEST PHILIPPINES, HINDI IKINABABAHALA NI US PRESIDENT DONALD TRUMP DAHIL KAYA ITONG SOLUSYUNAN

Loading

Hindi nangangamba si US President Donald Trump tungkol sa lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.
 
Kasabay nito ay ang kanyang pagtitiyak na maaayos at masosolusyunan din ang naturang usapin.
 
Tugon ito ng US President sa tanong ng mamamahayag kung gaano ito nababahala sa maritime tensions at kung gaano kahanda ang Amerika sa ilalim ng kanilang Mutual Defense Treaty (MDT) sa Pilipinas.
 
Ginawa ni Trump ang pahayag sa kanyang bilateral meeting, kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang.
 
Sa kanyang opening remarks, inilarawan ni Marcos ang US bilang nag-iisang treaty ally ng Pilipinas, kasabay ng pagbibigay-diin sa 80 years of diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa at 75 years of alliance sa ilalim ng MDT.
 
Samantala, inihayag ni Trump na pinalalawak pa ng dalawang bansa ang kanilang defense cooperation, kasabay ng pagtukoy sa itinaas na US foreign military financing para sa Pilipinas, gayundin ang approval sa 5 billion dollars o ₱250 billion na arms sales simula nang siya ay manungkulan.

About The Author