![]()
Dumating sa Malacañang si US President Donald Trump bilang bahagi ng kanyang state visit sa Pilipinas.
Sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang US President sa Kalayaan Grounds sa loob ng Malacañang compound, na sinundan ng pagpapatugtog ng national anthems ng dalawang bansa.
Kasama ni Trump sa pagbisita si US Secretary of State Marco Rubio.
Pumirma si Trump sa official guest book ng Palasyo bilang tanda ng kanyang state visit.
Sumabak ang dalawang lider sa bilateral meeting at nag-host ng state luncheon si Pangulong Marcos bilang parangal sa US President.
