dzme1530.ph

CAI CORTEZ, NAG-SORRY KASUNOD NG INSIDENTE NG PAGSASAYAW HABANG NAGMAMANEHO

Loading

Humingi ng paumanhin ang actress-politician na si Cai Cortez dahil sa kanyang pagsasayaw habang nagmamaneho.

Kasabay nito ay tiniyak ng Taytay councilor na makikipag-cooperate siya sa Land Transportation Office (LTO) hinggil sa naturang insidente.

Una nang inisyuhan si Cai ng show cause order matapos kumalat ang video nito na sumasayaw habang nagmamaneho.

Sa naturang video, hindi nakahawak sa manibela ang dalawang kamay ng actress-politician habang umaandar ang kanyang sasakyan.

Sinabi ni Cai na nauunawaan niya ang naging puna at kritisismo sa kanyang ipinost noong February 2026 at muling kumalat ngayon, kasabay ng pag-amin na mali at hindi ligtas ang nangyari.

Una nang inatasan ng LTO ang councilor na isurender ang kanyang driver’s license para sa 90-day suspension.

About The Author