dzme1530.ph

ACHIEVENMENT NG PILIPINAS SA ASEAN CHAIRMANSHIP, KINILALA SUBALIT GASTOS SA SUMMIT, KINUWESTYON

Loading

KINILALA ni Senador Imee Marcos ang ilang diplomatic achievements ng Pilipinas sa chairmanship sa ASEAN subalit kinuwestyon ang ₱22.9-bilyong gastos para sa pagho-host ng mga aktibidad at summit ng organisasyon.
 
Sinabi ni Marcos na mahalaga sa ekonomiya ang paglagda sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement, pag-usad ng kooperasyon sa regional power grid at pagpapalakas ng mga hakbang laban sa transnational online crimes.
 
Gayunman, sinabi ng senador na umaasa siyang nagawa pa ng Pilipinas ang mas matatag at mapagpasyang diplomatic push para sa pagbuo ng isang binding at epektibong Code of Conduct sa West Philippine Sea.
 
Nanawagan din si Marcos ng mas kongkretong hakbang upang matigil ang labanan sa Myanmar.
 
Samantala, binigyang-diin ng senador na dapat suriing mabuti ang naiulat na ₱22.9-bilyong gastos sa ASEAN chairmanship, lalo’t patuloy na hinaharap ng bansa ang mga hamon sa ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
 
Ayon kay marcos, mahalaga ang mga diplomatic achievements ng bansa, subalit dapat ding timbangin ang mga ito sa gastusing pasan ng mga Pilipino. 

About The Author