![]()
Pinaigting ng pulisya ang seguridad sa mga kalsada patungong Malacañang sa Mendiola, Maynila at sa paligid ng isang hotel sa Parañaque kung saan nananatili ang mga foreign delegates na dumalo sa ASEAN Summit.
Sa gitna ito ng patuloy na aktibidad ng mga raliyista laban sa pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump.
Sa Maynila, nagtayo ng mga barikada ang mga pulis sa Recto Avenue sa panulukan ng San Sebastian St. malapit sa Mendiola.
Isinara rin sa mga sasakyan ang Legarda Street sa panulukan ng Figueras St., gayundin ang Ayala Bridge.
Nag-deploy na rin ng augmentation personnel mula sa Police Regional Office 4A kasama ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office.
