![]()
Nilinaw ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi naubos ang buong ₱22.9 billion na pondo para sa hosting ng bansa sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Sinabi ni Castro na patuloy pa ang accounting sa alokasyon.
Kinumpirma rin ng opisyal na ang ₱1 billion mula sa savings sa alokasyon ay nagamit para sa UPLIFT Program ng pamahalaan, partikular sa pagtugon sa epekto ng krisis sa Middle East.
Iginiit din ni Castro na mahalaga ang naging hosting ng bansa sa ASEAN Summit dahil nabigyan ng oportunidad ang pagtalakay sa mga regional concerns at nakabuo ng collective solutions. | via Dang Samson-Garcia, ME Radio TV
Para sa iba pang mga balita, bisitahin ang https://dzme1530.ph/
#MERadioTV #DZMERadyoTV #1530khz
