dzme1530.ph

MAHIGIT ISANDAANG GAS STATIONS, HINDI NAGPATUPAD NG FUEL PRICE ROLLBACK, AYON SA DOE

Loading

Mahigit isandaang gasoline stations ang sinita ng Department of Energy (DOE) dahil sa kabiguang ipatupad nang buo ang mandated fuel price rollback.

Simula Nov. 10 hanggang 13, nagsagawa ang Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng DOE ng inspections sa 213 gasoline stations sa buong bansa.

Sinabi ni OIMB Director Rino Abad na 114 sa mga gasolinahan na ininspeksyon ay hindi nagpatupad ng prescribed price adjustments.

Aniya, na-endorse na nila ang inspection report sa Legal Department para sa appropriate legal action.

Inihayag ni Abad na dalawang batas ang maaaring ikonsidera sa pagsusulong ng mga kaso laban sa mga pasaway na retailers, na may parusang pagkabilanggo ng tatlong buwan hanggang isang taon at multa na ₱50,000 hanggang ₱300,000.

 

About The Author