![]()
Ipinagmalaki ng Department of Science and Technology o DOST ang upgraded weather forecasting capabilities ng PAGASA dahil sa paggamit ng artificial intelligence.
Ayon sa DOST, dahil sa AI, nagkakaroon ng access ang mga Pinoy sa mas detalyado at location-specific weather forecasts na pinalawig hanggang 14 na araw.
Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr., sa pamamagitan ng teknolohiya, nabibigyan ang mga Pinoy ng localized forecasts na nagagamit sa pagpaplano ng mga aktibidad at pagdedesisyon sa gitna ng unpredictable weather conditions.
Idinagdag pa ni Solidum na makatutulong ang teknolohiya sa mga lokal na pamahalaan para sa napapanahong advisory sa kanilang mga constituents, lalo na sa pagsasagawa ng mga outdoor activities, school operations at iba pang public events.
Malaki rin anya ang tulong nito sa agrikultura, aviation at shipping na nakadepende sa weather conditions sa pagbuo ng mga operational decisions.
