![]()
Ibinunyag ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang anila’y patuloy na kampanya ng Marcos administration laban sa kanya.
Ito, ayon kay Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita ng Bise Presidente, ay kasunod ng pagbabanta sa buhay ng isa niyang dating household staff.
Sinabi ni Panelo na nakatanggap sila ng mensahe kagabi mula sa dating household staff member at humihingi ng tulong.
Nagpapasaklolo aniya ang dating staff na iligtas siya matapos siyang ikustodiya ng ilang indibidwal at binalaan ang kanyang buhay.
Idinagdag ni Panelo na pinalalagda umano ang dating staff ni VP sa isang dokumento na tinanggihan nito.
Inihalintulad ito ni Panelo sa nangyari kay Jeffrey Tupas, dating Davao City Chief Information Officer na sinasabing binigyan ng maleta-maleta pera ni dating police officer Rodulfo Gracioso para sa pamilya Duterte.
