![]()
Nasa 10,000 protesters ang inaasahang makikiisa sa mga kilos-protesta kasabay ng pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump para dumalo sa 49th ASEAN Summit.
Una nang nagtipon-tipon ang ilang grupo ng raliyista sa Padre Burgos Avenue sa Lungsod ng Maynila upang tutulan ang attendance ni Trump sa summit at ang partisipasyon ng Pilipinas sa Pax Silica Initiative.
Nagkagirian din ang mga raliyista at mga pulis sa Liwasang Bonifacio na nagresulta pa sa pag-aresto sa 11 individuals, kabilang ang isang minor.
Nasugatan naman ang ilang pulis dahil sa pambabato ng mga raliyista habang ang iba ay naipit sa komprontasyon.
Tiniyak naman ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Allen Raeco, na mahigpit nilang ipatutupad ang mga batas kaugnay sa mga aktibidad.
Sa panig ni MPD Director, Police Brig. Gen. Arnold Santiago, pinaalalahanan niya ang mga grupo na sumunod sa mga patakaran at iwasan ang anumang kaguluhan.
