dzme1530.ph

MAS MARAMING PINOY PRODUCTS, ISUSULONG NG PILIPINAS SA SOUTH KOREA SA GITNA NG TRADE TALKS

Loading

Target ng Pilipinas na magkaroon ng karagdagang oportunidad para sa Filipino exporters upang maibenta ang kanilang mga produkto sa South Korea.
 
Sa gitna ito ng ongoing discussions para i-upgrade ang Free Trade Agreement sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Seoul.
 
Sa 27th ASEAN-Republic of Korea Summit na pinamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layunin ng magkabilang panig na maabot ang substantial conclusion ng kanilang upgraded free trade pact sa katapusan ng 2027 upang makatulong na mapalawak ang market access sa buong rehiyon.
 
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Marcos na mahigit tatlong dekada na ang relasyon sa pagitan ng regional bloc at South Korea, at patuloy na isinusulong ng mga bansa ang mas malalaking oportunidad para sa regional cooperation sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng Plan of Action 2026 to 2030.

About The Author