![]()
Nag-alok ng dalawang milyong pisong pabuya si Zamboanga City Mayor Khymer Olaso mula sa kanyang personal na pondo para sa ikadarakip ng mga suspek sa pagpaslang kay Basilan Judge Joseph Wee Sit.
Kasabay nito ang mariing pagkondena ng alkalde sa pagpatay kay Sit at inilarawan ang insidente bilang heinous crime.
Sinabi ni Olaso na nakipag-ugnayan na siya sa PNP hinggil sa naturang pananambang sa hukom.
Narekober ng mga awtoridad ang motorsiklo na umano’y ginamit ng mga suspek sa krimen, matapos abandonahin sa Cawit-Maasin area sa Barangay Maasin.
Ayon sa PNP, in-activate na ang Special Investigation Task Group para manguna sa mabilis, masusi, at patas na imbestigasyon.
