dzme1530.ph

FOREIGN INVESTMENT PLEDGES, TUMAAS NOONG 3RD QUARTER

Loading

Lumobo sa ₱166.03 billion ang foreign investment pledges na natanggap ng Investment Promotion Agencies (IPA) ng bansa sa third quarter.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng 125% ang approved foreign investment commitments noong July to September mula sa ₱74 billion na naitala sa kaparehong quarter noong nakaraang taon.

Mas mataas din ang latest figure ng 43.57% kumpara sa ₱115.64 billion na inaprubahan noong April hanggang June.

Simula January hanggang September, umakyat sa ₱336.45 billion ang foreign investment approvals mula sa ₱170.17 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.

About The Author