![]()
Humingi ng paumanhin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga vendors na apektado ng security measures na ipinatupad para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Pasay City.
Pinangasiwaan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang payout ng ₱10,000 na cash aid sa 1,462 affected vendors sa Parañaque City.
Sinabi ni Gatchalian na hindi nila ginusto ang nangyari subalit dahil sa security arrangements ng iba’t ibang mga lider na darating sa bansa, kinailangan muna talaga na pansamantalang ihinto ang mga operasyon.
Ang ₱10,000 na ayuda ay ipinamahagi sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng DSWD.
Namahagi rin ang ahensya ng family food packs sa mga vendors.
