![]()
Dinepensahan ng Malacañang ang ₱22.9 billion na budget para sa hosting ng 49th ASEAN Summit.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, iniiwasan nilang maulit ang mga kritisismo sa paghahanda noon ng Pilipinas para sa 2019 Southeast Asian Games.
Sinabi ni Castro na naibalita sa buong mundo ang Pilipinas sa hosting ng SEA Games dahil sa mga isyu ng katiwalian.
Ipinaliwanag ni Castro na kabilang sa gastusin ang buong taong preparasyon sa hosting ng regional bloc at hindi lamang para sa November gathering.
Binigyang-diin ni Castro na 393 meetings na ang naisagawa, at may 164 meetings pa ang naka-schedule.
Kasama rin sa pinondohan ang improvement ng mga venue at pasilidad, security measures, personnel deployment at airport upgrades.
Ipinagtanggol pa ni Castro ang paglalagay ng mga barriers na may artworks ng national artists sa kahabaan ng Diokno Boulevard.
Nais aniya ng gobyerno na ipakita ang kagandahan ng bansa sa mga dayuhang bisita.
