![]()
Handa ang pamahalaan na ma-audit ang ginastos para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sa gitna ng mga katanungan sa online.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na handa ang gobyerno na mag-report para ipakita kung saan napunta ang lahat ng pinaghandaan ng bansa bilang host ng ASEAN Summit.
Naglаan ang pamahalaan ng ₱22.9 billion para sa ASEAN Summit.
Ito ang pang-limang beses na naging chair ng regional bloc ang Pilipinas.
Idinagdag ni Castro na sa halip na silipin ang gastos sa ASEAN, dapat tingnan ng publiko ang pakinabang na makukuha ng bansa sa hinaharap.
