![]()
Nag-ambag si Pi Durden Wangkay ng ikalawang medalya para sa Pilipinas sa 2026 Youth Olympic Games matapos pumangatlo sa men’s 200-meter final sa Dakar, Senegal.
Nanalo si Wangkay ng bronze, isang araw matapos masungkit ni Naomi Cesar ang silver sa women’s 800-meter event.
Naselyuhan ni 17-year-old Filipino sprinter ang kanyang tagumpay sa pamamagitan ng 21.355 seconds, na kaunting diperensya lamang sa record ng silver medalist na pambato ng Guyana na 21.359 seconds.
Naiuwi naman ng pambato ng Zimbabwe ang gold medal matapos maitala ang 21.04 seconds.
Si Wangkay ay gold medalist sa Asian Youth Games at naging kinatawan ng Pilipinas sa 2025 Southeast Asian Games.
