dzme1530.ph

MAHIGIT ISANLIBONG PINOY, NANANATILING TRAPPED SA SCAM HUBS SA MYANMAR, AYON SA FORMER PAOCC DIRECTOR

Loading

Tinaya sa 900 hanggang 1,500 Filipino workers ang nananatiling trapped sa scam hubs sa Myanmar.

Ayon kay former Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Director Winston Casio, ang impormasyon ay mula sa isang civil society group na naka-base sa Bangkok, Thailand.

Base aniya sa ulat ng grupo, karamihan sa mga Pinoy na na-trap sa scam compounds ay matatagpuan sa border ng northern part ng Bangkok.

Ibinahagi ni Casio na bagaman mayroon nang 335 na mga Pinoy na nakauwi, alam nila na “tip of the iceberg” o maliit na bahagi pa lamang ito, dahil ang sabi ng kanilang mga contact sa Myawaddy ay nagtatago sa mga gubat ang mga sindikato.

Idinagdag ng dating PAOCC executive na nakikipag-ugnayan na sila sa mga grupo sa Thailand, kabilang na ang pakikipagtulungan sa Royal Thai Police at sa Philippines’ Migrant Workers Representative sa Myanmar.

Hinikom din ni Casio si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng task force para mahinto ang recruitment ng mga Pinoy sa scam hubs sa ibang bansa.

About The Author