dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, DAPAT HUMARAP SA BUDGET DELIBERATIONS SA SENADO

Loading

Dapat humarap sa plenary deliberations ng kanilang 2027 budget si Vice President Sara Duterte.
 
Ito ang binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros matapos hindi dumalo si VP Sara sa pagtalakay ng kanilang panukalang budget sa committee level sa Senado.
 
Ngayong linggong ito ay magsisimula na ang deliberasyon ng Senado sa panukalang 2027 national budget.
 
Sinabi ni Hontiveros na nauna na ring nagpaalala si Senate President Sherwin Gatchalian sa kahalagahan ng pagharap mismo ng mga head of agency sa pagtalakay sa budget.
 
Tiniyak naman ni Hontiveros na hindi mamamayani ang awkwardness sakaling humarap si VP Sara sa budget deliberations dahil mga matured at professionals naman aniya ang mga senador.
 
Hindi naman tiyak ni Hontiveros kung maaari pang matalakay sa budget deliberations ang isyu ng iregular umanong paggamit ng confidential fund ng OVP sa mga nakalipas na taon.
 
Gayunman, naniniwala si Hontiveros na hindi man sa budget process mahingi ang paliwanag ng Bise Presidente sa isyu ay may iba pang mga legal na prosesong pagdaraanan ito.

About The Author