dzme1530.ph

ICC, PWEDE PA RING MAGSAGAWA NG CONFIRMATION OF CHARGES LABAN KAY SEN. BATO DELA ROSA SA KABILA NG PAGTATAGO NITO

Loading

Maaari pa ring magsagawa ang International Criminal Court (ICC) ng confirmation of charges hearing laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kahit na ito ay nagtatago.

Ayon kay ICC Assistant to Counsel Kristina Conti, puwedeng magkaroon ng confirmation of charges hearing laban kay dela Rosa bilang indirect co-perpetrator sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, nangyari na ito noong Sept. 2025 sa kaso ni Joseph Kony na hindi matukoy kung nasaan, subalit matagal nang nakabinbin ang kanyang kaso.

Alinsunod sa Rome Statute, maaaring isagawa ang confirmation of charges laban sa akusado kahit sila ay nagtatago o tumatakas.

Gayunman, dapat ay mayroong abogado ang akusado na kakatawan sa kanya, at kailangang aprubahan din ito ng Pre-Trial Chamber judges.

About The Author