dzme1530.ph

DSWD, bubuo ng digital transformation team upang mapabilis ang paghahatid ng social service sa bansa

Bubuo ang Dep’t of Social Welfare and Development ng digital transformation (DX) Team para sa pagpapatupad ng malaking pagbabago sa paghahatid ng social service sa bansa.

Bilang bahagi ng Digital Transformation Strategy at Ease of Doing Social Welfare Vision, tututukan ng DX Team ang innovative projects para sa pagpapabilis ng mga proseso at pagpapadali ng accessibility.

Gagamit ito ng mga uri ng teknolohiya para makapagbigay ng user-friendly experience sa mga benepisyaryo.

Ang DX Team ay bubuuin ng mga eksperto sa iba’t ibang information and communications technology disciplines kabilang sa full-stack web development, UI/UX design, software quality engineering, cybersecurity, data privacy, project management, at enterprise architecture.

Ang inisyatibong ito ng DSWD ay inaasahang maghahatid ng ginhawa sa buhay ng milyung-milyong Pilipino. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author