dzme1530.ph

TOP DIPLOMATS NG PILIPINAS AT CHINA, NAG-USAP SA TELEPONO; NAGKASUNDO NA IPAGPATULOY ANG DIPLOMATIC DIALOGUE

Loading

Ibinahagi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro na nag-usap sila ng kanyang counterpart na si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa telepono, kung saan tinalakay nila ang bilateral relations at maritime issues sa pagitan ng dalawang bansa.
 
Sa post sa X, inilarawan ni Lazaro ang kanilang pag-uusap ni Wang bilang “frank and constructive.”
 
Aniya, binigyang-diin ng magkabilang kampo na kailangang ipagpatuloy ang diplomatic dialogue at proper management upang maresolba ang mga isyu.
 
Nagpalitan din umano ng pananaw ang top diplomats para sa nalalapit na East Asia Cooperation Leaders’ Meeting sa Pilipinas at sa APEC Leaders’ Meeting sa Shenzhen.

About The Author