dzme1530.ph

TRANSPORT MINISTER SA SPAIN, NAGRESIGN KASUNOD NG DALAWANG MALAGIM NA TRAHEDYA SA TREN SA LOOB NG ISANG TAON

Loading

Inanunsyo ni Spanish Transport Minister Oscar Puente ang kanyang pagbibitiw matapos ang dalawang malagim na banggaan ng mga tren sa loob lamang ng isang taon.

Kabilang na rito ang nangyari noong nakaraang linggo na ikinasawi ng animnapu’t siyam na indibidwal.

Sinabi ni Puente na ginawa niya ang desisyon sa mga unang minuto pagkatapos ng trahedya.

Gayunman, inanunsyo nito ang resignation, tatlong linggo bago ang general elections sa Spain.

Paliwanag ni Puente, bilang transport minister sa bansang kagaya ng Spain, hindi siya maaaring manatili sa puwesto kasunod ng dalawang malalaking aksidente na wala pang isang taon ang pagitan.

About The Author