dzme1530.ph

DEMOCRATS, NASUNGKIT ANG MAJORITY SA SENATE AT HOUSE KASUNOD NG US MIDTERM ELECTIONS

Loading

Napasakamay ng Democrats ang majority sa parehong Senate at House, sa pamamagitan ng malawakang tagumpay na umabot hanggang sa balwarte ng Republicans.
 
Nangibabaw ang lakas ng partido, maging sa mga estado na matagal nang inaakala na hindi nila maaabot, kabilang ang South Carolina, Texas, at Iowa.
 
Binigyang-diin ng tagumpay na ito ng Democrats ang malalim na pagkadismaya ng mga botante sa pamamahala ni US President Donald Trump sa ekonomiya at sa paglulunsad nito ng giyera sa Iran noong Pebrero na nagdulot ng pagsirit sa presyo ng langis.
 
Sa mga survey, nagpahayag ng pagkabahala ang mga botante sa mataas na gastusin ng pamumuhay at galit sa paraan ng pagtrato ni Trump sa nasabing isyu.
 
Binaliktad ng Democrats ang anim na Republican seats sa Senate na siguradong nasa kanila na ang majority sakaling hindi nila makuha ang Michigan at Minnesota.

About The Author